^

PSN Palaro

Eala olats kay Golubic

Pilipino Star Ngayon
Eala olats kay Golubic
Minalas si Pinay netter Alex Eala kay Viktorija Golubic ng Switzerland sa quarterfinals ng Suzhou Open
STAR/ File

Sa quarterfinals ng Suzhou Open

MANILA, Philippines —  Bigo si Pinay netter Alex Eala na masundan ang matikas na ratsada nito matapos yumuko kay Viktorija Golubic ng Swit­zer­land, 6-2, 2-6, 6-7, sa quarterfinals ng 2025 Suzhou Open WTA 125  sa Sungent International Tennis Center sa China.

Bakbakan ang laban mula umpisa hanggang dulo kung saan kinatigan ng suwerte si Golubic sa huling sandali ng laro.

Mainit na sinimulan ni Eala ang ratsada nito para mabilis na kunin ang 1-0 bentahe sa first set.

Subalit rumesbak ang Swiss netter nang umarangkada ito nang husto sa second set para maitabla ang laro sa 1-1.

Naantala ang laro dahil sa ulan bago magsimula ang final set.

Sa pagbabalik ng laro, gumamit na ng malalim na karasanan si Golubic para makuha ang 5-3 abante.

Hindi naman basta-basta sumuko ang Pinay bet para maitabla sa 5-all.

Nakuha pa ni Eala ang 6-5 bentahe at ilang match point opportunity ngunit ki­napos ito.

Sa tiebreak ay tuluyan nang dinomina ng Swiss player ang laro nang magpasabog ito ng 7-0 run para makuha ang panalo.

Bigo si Eala na umentra sa semis sa unang pagkakataon sapul noong Guadalajara Open sa Mezico City.

Una na siyang nakapasok sa semis sa Jingshan Tennis Open noong naka­raang linggo.

Sesentro na ang atensiyon ni Eala sa mas prestihiyosong Wuhan Open na lalahukan ng mga top pla­yers sa mundo kabilang na sina Wimbledon champion Iga Swiatek ng Poland at French Open champion Coco Gauff.

Daraan pa sa qualifying round si Eala para makahirit ng tiket sa Wuhan Open na isang 1000-level WTA tournament.

WTA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with