^

PSN Palaro

Alas deserve makapasok sa Round of 16 -- Iran coach

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Alas deserve makapasok sa Round of 16 -- Iran coach

MANILA, Philippines —  Kung si Iran head coach Robert Piazza ang tatanu­ngin, deserving ang Alas Pilipinas na makapasok sa Round of 16 dahil sa husay at galing na ipinamalas nito sa FIVB Men’s Volleyball World Championships.

Tuluyan nang namaalam sa kontensiyon ang Alas Pilipians matapos lumasap ng 25-21, 21-25, 25-17, 23-25, 20-22 kabiguan sa kamay ng Iran sa do-or-die game noong Huwebes sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Hawak na sana ng Alas Pilipinas ang panalo ngunit isang krusyal na error ang nagawa ni Kim Malabunga na nakita sa net fault challenge na hiniling ng Iran.

Sa kabila ng malungkot na pangyayari, masaya pa rin ang buong volleyball community sa ipinamalas ng Alas Pilipinas na tunay na nagbuhos ng dugo’t pawis upang makapagbigay lamang ng magandang laban kontra sa mga world-class volleyball players.

At isa si Piazza sa mga humanga sa kakayahan ng Alas Pilipinas.

Maganda ang inilaro ng Alas Pilipinas dahilan upang mahirapan ng husto ang Iran na isang Asian champion.

“I’m not happy about how we played the game. Philippines played an amazing game,” ani Piazza.

Dahil sa ipinakita ng Alas Pilipinas, pinatunayan la­mang nito na kayang makipagsabayan ng Pilipinas sa isang malaking event na tulad ng FIVB Worlds.

“They deserve to be in the final 16 teams like us because two points cannot change the game,” ani Piazza.

Mapait man ang pagkatalo ngunit magandang karanasan ito para sa Alas Pilipinas para sa mga susunod na torneong lalahukan nito partikular na ang 2025 Southeast Asian Games na gaganapin sa Disyembre sa Bangkok, Thailand at sa Asian Games na idaraos naman sa susunod na taon sa Nagoya, Japan.

KIM

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with