Terrence bumalik sa 3x3 basketball
MANILA, Philippines — Bumalik si Terrence Romeo sa 3x3 basketball habang wala pang tawag mula sa 12 PBA teams.
Isusuot ng three-time PBA champion guard ang uniporme ng Manila Melmac para sa FIBA 3x3 Manila Challenger na didribol sa Setyembre 20 at 21 sa Ayala Malls Manila Bay.
Makakasama ng 33-anyos na si Romeo, nagtapos ang kontrata sa Terrafirma noong Agosto, sa Manila Melmac si dating PBA guard Mac Tallo, Abdul Sawat at Henry Iloka.
“Terrence Romeo is Back in 3x3 with Manila Melmac! After a decade away from 3x3, Terrence Romeo is heeding the call to play for flag and country once again,” ani ng tropa sa kanilang social media post.
Ang tropa ay gagabayan ni dating PBA point guard Chico Lanete.
Nakataya sa torneo ang tiket para sa Macau Masters sa Oktubre.
- Latest

















