^

PSN Palaro

Regalario biyaheng semis’

Elech Dawa - Pilipino Star Ngayon
Regalario biyaheng semis’
Carlo Biado (left) and Bernie Regalario (right).
Facebook / Predator Pro Billiard Series; Facebook / Bernie Regalario

MANILA, Philippines — Pumapalag pa si billiards sensation Bernie Re­galario matapos makapasok sa semifinals ng Zen Custom Cue and Yuan 8 Open na inilalaro sa Yuan 8 Club sa Shanghai, China.

Tanging ang 20-anyos na si Regalario na lamang ang Pinoy na sumasargo sa torneong may nakala­ang $60,000 guaranteed prize kung saan $20,000 ang maisusubi ng magkakampeon.

Pinagulong muna ni Re­galario, ang 2025 World 9-ball semifinalist, si Lu Hui-Chan ng Chineses Tai­pei, 10-5, bago inilaglag si Taiwanese Lin Ta-Li, 10-4, sa quarterfinals.

Subalit paniguradong dadaan sa butas ng kara­yom ang billiards sensation na si Regalario dahil makakalaban niya sa Last Four ang defending champion na si Ko Pin Yi ng Chinese Taipei.

Dinomina ni Yi si Nao­yuki Oi ng Japan, 10-3, sa hangaring maipagtanggol ang suot niyang korona.

Hindi naman pinalad ang tatlo pang Pinoy na tumumbok sa Last 16.

Ito ay sina Marvin Asis, Michael Feliciana at Harry Vergara kaya solo na lang si Regalario sa quarterfi­nals.

Kailangang manalo pa ng dalawang matches si Regalario upang mahablot ang pinakamalaking titulo sa kanyang batang professional career.

Sa loser’s side gumapang si Regalario upang ma­kapasok sa knockout stage na Round-of-32.

Hahamigin ng second placer ang $8,000, may $4,000 ang dalawang se­mifinalists, habang tig-$2,000 para sa apat na quarterfinalists.

Magtutumbukan din sa semis sina Felix Vogel ng Germa­ny at Albert Janua­rio ng In­donesia na ang ma­nanalo ay posibleng la­­banan ni Regalario sa fi­nals ng torneo.

ZEN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with