Frayna reyna ng Dubai chessfest

MANILA, Philippines — Tumulak ng dalawang sunod na tabla si WGM Janelle Mae Frayna upang sikwatin ang korona sa 31st Abu Dhabi International Chess Festival - Ladies Blitz na nilaro sa Radisson Blu Abu Dhabi Corniche Hotel, United Arab Emirates, Sabado ng gabi.
Nakipaghatian ng puntos ang 29-anyos Pinay woodpusher na si Frayna kina WFM Halder Sneha ng India at IM Gulrukhbegim Tokhirjonova ng Uzbekistan sa rounds 8 at 9 upang ilista ang walong puntos sa event na ipinatupad ang nine rounds swiss system at may time format na three minutes plus two seconds increment.
Lumanding naman si Tokhirjonova sa second place at third si WGM Maria Gevorgyan ng Armenia, pareho silang may iskor na 7.5 puntos.
Halos makuha na ni Frayna ang kampeonato matapos ang seventh round kung saan ay hinarurot nito ang lahat ng nakatunggali kaya kinailangan na lamang na alagaan ang kanyang bentahe upang masikwat ang inaasam na titulo.
Nagwagi rin sa last round si WFM Ruelle Canino kontra Sager Almarri Amna ng host country pero hindi sapat upang pumasok sa top 10, nakalikom lamang siya ng 5.5 puntos at inupuan nito ang 28th place.
- Latest


















