^

PSN Palaro

Cruz magpapagaling muna

John Bryan Ulanday - Pilipino Star Ngayon
Cruz magpapagaling muna
Guam's Jericho Cruz (39)
(FIBA)

MANILA, Philippines — Matetengga muna si Jericho Cruz sa ensayo ng San Miguel para sa PBA Season 50 upang ipahinga ang kanyang hamstring injury mula sa kampanya ng Guam sa 2025 FIBA Asia Cup.

“Hindi na kinaya. Kasi galing sa Philippine Cup finals tapos diretsong biyahe. Then pagdating sa Saudi Arabia, laro na kaagad,” anang 25-anyos na guwardiya.

“Pahinga lang ito kasi sobrang tight talaga pag may hamstring injury ka. Nagpapagaling ako ngayon. Pahinga muna, enjoy muna.”

Natamo ni Cruz ang naturang injury sa 82-73 panalo ng Guam kontra Syria kaya hindi na nakalaro sa 99-66 kabiguan ng koponan kontra South Korea sa qualification sa quarterfinals tungo sa eliminasyon.

Ito ang unang FIBA Asia Cup appearance ng Guam sa tulong ni Cruz ay naiskor din nila ang kauna-unahang tagumpay matapos pumukol ng 21 puntos tampok ang 5 tres kontra sa Syria.

Nag-rehistro si Cruz ng 16.0 puntos para sa Guam sa likod lang ng 17.7 puntos ni Tai Wesley bago ang injury.

Bago ang Asia Cup ay nagtala si Cruz ng 13.8 puntos, 3.5 rebounds at 3.3 assists para sa kampeon na Beermen tungo sa pagsikwat ng Finals MVP plum.

Wagi ang SMB sa finals, 4-2, upang mapurnada ang asam na Grand Slam ng karibal na Talk ‘N Text at maisukbit ang ika-30 na kampeonato nito na siyang pinakamarami sa kasaysayan.

JERICHO CRUZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with