^

PSN Palaro

Le Tour de Filipinas magbabalik sa 2026

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Matapos matengga simula noong 2019 dahil sa COVID-19 pandemic ay magbabalik ang Le Tour de Filipinas sa Pebrero ng 2026 sa Sorsogon, Bicol.

Ito ang opisyal na inihayag ni Donna May Lina ng nag-oorganisang Ube Media sa panayam ng Radyo Pilipinas 2 Sports.

“Ina-announce na po natin ang pagbabalik ng Le Tour de Filipinas, of course presented by the Lina Group of Companies and our LGUs (Local Go­vernment Units) sa mga probinsya,” ani Lina.

Nakipagpulong na si Lina sa mga LGUs ng Albay at Sorsogon para sa muling pagpadyak ng ika-11 edisyon ng Le Tour de Filipinas sa 2026.

“Nag-enrol po muna tayo sa UCI calendar. Pinag-aaralan ng UCI iyong buong kalendaryo ng 2.2. Lumalabas iyong resulta niyan September or October para kasali po ang Le Tour de Filipinas bilang isa sa UCI-sanctioned road race,” wika ni Lina.

“Nandito tayo ngayon sa planning, ocular and revisiting iyong ating signature Le Tour de Filipinas routes plus iyong mga aabangan nating mga bagong ruta,” dagdag nito.

Si Jeroen Meijers ng The Netherlands ang nagkampeon noong 2019 edition ng Le Tour de Filipinas bago ito kinansela sa sumunod na taon dahil sa pandemya.

Ang Le Tour de Filipinas ay accredited ng Union Cycliste Internationale, Philippine Cycling Federation at Asian Cycling Federation.

May inilatag nang five-year plan si Lina kasama ang susunod na pagpedal ng Le Tour de Filipinas sa Visayas at Mindanao.

 Noong Abril ay binuhay ang Tour of Luzon na inorganisa ng Metro Pacific Tollways Corporation (MPTC) at pinagharian ni South Korean Dae Yeong Joo.

LE TOUR DE FILIPINAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with