^

PSN Palaro

Eala sasabak sa Sao Paulo Open

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines —  Nakalinya na agad ang mga torneong lalahukan ni Alex Eala sa oras magbalik-aksyon ito.

Una munang sesentro ang atensiyon ng 20-anyos Pinay netter sa pagsabak nito sa US Open na aarangkada ngayong linggo sa Queens, New York.

Ito ang unang pagkakataon na masisilayan si Eala sa main draw ng naturang grand slam event matapos itong mabigo sa qualifying round noong nakaraang taon.

Matapos ang US Open, agad na tutulak si Eala sa Brazil para magpartisipa sa Sao Paulo Open.

Magsisimula ang Brazil tournament sa Setyembre 8 at matatapos sa Setyembre 14.

Kasama si Eala sa entry list kung saan inaasahang makukuha nito ang No. 3 seed.

Pasok din sa torneo sina Hailey Baptiste ng Amerika, Jodie Burrage ng Great Britain, Berfu Cengiz ng Turkey, Louisa Chirico ng Amerika, Vitalia Diatchenko ng Russia, Beatriz Maia ng Brazil at Renata Zarazua ng Mexico.

Kailangan ni Eala na lumahok sa mga torneo upang makalikom ng puntos at muling umangat sa WTA ran­kings.

Kasalukuyan itong nasa No. 71 sa live rankings ng WTA.  

EALA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with