^

PSN Palaro

Paras, de Liaño sasali sa PBA Draft

John Bryan Ulanday - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines —  Lalarga na ngayon ang aplikasyon para sa 2025 PBA Rookie Draft kasabay  ng padriwang ng liga ng ika-50 taong selebrasyon nito.

Nakatakda ang PBA Rookie Draft sa Setyembre 7 sa hindi pa sinasabing venue bago ang pagbubukas ng PBA Season 50 sa Oktubre tampok ang mga laro sa Dubai, United Arab Emirates.

Hanggang Agosto 29 ang aplikasyon ng lahat ng Filipino at Filipino-foreign players na edad-19 anyos pataas bago salain ng PBA ang mga aplikante sa PBA Rookie Draft Combine.

Ito na ang ika-40 Roo­kie Draft sa kasaysa­yan ng PBA na siyang pinakaunang professional basketball league sa Asya buhat nang simulan ito noong 1985, 10 taon mula nang itayo ang liga tampok ang mga amateur players muna noong 1975.

Bukas ang aplikasyon para sa mga purong Pinoy na kailangan lang magpasa ng 2 2x2 ID, PSA birth of certificate at school records.

Bukod sa mga nabanggit, kailangan naman ang valid na Philippine passport bilang dagdag na requirements para sa mga Filipino-foreign applicants.

Sibak na draft prospects sina Rhenz Abando na piniling bumalik sa m­o­ther ball club na Anyang sa Korea habang sa Europa muna maglalaro si Quentin Millora-Brown.

Sa kabila nito, inaasa­han pa rin ang bigatin na draft class na bubuuin ng UAAP, NCAA at MPBL standouts kasama na ang Fil-foreign standouts sa pangunguna nina Jason Brickman at DJ Fenner.

Maugong din ang pa­­ngalan nina dating UAAP stars Kobe Paras at Javi Gomez de Liaño na magpa-draft matapos hindi ma-renew ng kanilang mga koponan papasok sa bagong season ng Japan B. League at Korean Basketball League (KBL), ayon sa pagkakasunod.

PBA

ROOKIE DRAFT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with