^

PSN Palaro

‘Pacman’ bigong makagawa ng history

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines —  Muling idinisplay ni Pinoy boxing icon Manny Pacquiao ang kanyang pamatay na galaw, liksi at lakas.

Ngunit hindi ito sapat para makakuha ang dating world eight-division champion ng paborableng desisyon mula sa tatlong judges.

Isang majority draw ang naging resulta ng paghahamon ni Pacquiao kay world welterweight king Mario Barrios kahapon sa napunong MGM Grand Garden Arena sa Las Vegas, Nevada.

Parehong 114-114 ang hatol ng dalawang judges sa laban, habang pumabor kay Barrios sa 115-113 ang ikatlong judge para mapanatili niyang suot ang World Boxing Council (WBC) welterweight belt.

Ito ang unang draw ni Pacquiao matapos ang una nilang bakbakan ni Mexican legend Juan Manuel Marquez noong 2004 para sa International Boxing Federation (IBF) featherweight title.

“I thought I won the fight. It was close, my opponent is very tough, but it was a wonderful fight,’’ gulat na wika ng 46-an­yos na si Pacquiao na mayroon ngayong 62-8-3 win-loss-draw ring record tampok ang 39 knockouts.

Bitbit naman ng 30-anyos na si Barrios ang 29-2-2 (18 KOs) card.

Inasahan din ni Barrios na siya ang nanalo sa bardagulan nila ni Pacquiao.

“I thought I pulled it out,” ani Barrios. “But I still tip my hat to Manny. It was an honor to share the ring with him, somebody with so much experience who has accomplished so much in this sport. We left everything in the ring, nothing but love and respect.”

Wala kina Pacquiao at Barrios ang napuruhan at bumagsak sa kabuuan ng 12 rounds.

Sa pagbubukas ng first round ay tila kabayong nakawala sa kuwadra si Pacquiao at kaagad sinugod si Barrios.

Ginamit naman ng WBC titlist ang kanyang mahabang galamay sa second round para itaboy si ‘Pacman’ at makaiwas sa isang knockdown.

Sa round five ay nakakonekta ang Pinoy boxing legend ng ilang 1-2 combinations pati na sa round nine.

“I was trying to find a way to finish the fight but my opponent was so tough. He threw punches in combination and with defense, so it was hard,” ani Pacquiao.

Nakabawi sa iskor ang Mexican-American title-holder sa round 10 hanggang 12 para makakuha ng bentahe sa dalawang judges.

Hangad sana ni Pacquiao na ma­ging ikalawang pinakamatandang boxer na nagkampeon matapos si undisputed middleweight ruler Bernard Hopkins na nakakuha ng isang world title sa edad na 49-anyos.

Nagmula ang dating world eight-division champion sa unanimous decision loss kay Cuban Yordenis Ugas noong Agosto ng 2021 kasunod ang kanyang pagreretiro para tumakbo sa Presidential derby.

MARIO BARRIOS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with