Chua hari ng Knight Shot 9-Ball Open
MANILA, Philippines — Sikat na naman ang Pilipinas sa larong bilyar ito’y matapos maghari ni Johann Chua sa Knight Shot 9-ball Open na nilaro sa Impulse Snooker & Billiards Cafe, Oud Metha, Dubai, UAE.
Tiniris ni 2013 World Cup of Pool co-champion Chua si Fedor Gorst, 13-6 ng Russia sa kanilang Race-to-13 finals match kahapon ng madaling araw upang makasikwat muli ng titulo sa event na sinalihan ng mga tigasing bilyarista sa buong mundo.
Nakitaan ng pagiging relax ang 33-anyos na si Chua kahit umalagwa agad si 2019 WPA World Nine-ball championship ruler, Gorst, 1-3 matapos ang rack four.
Sumargo naman ng apat na panalo si Chua para maagaw ang lamang, 4-3 papasok ng rack 8.
Pagkatapos ng 13th rack kung saan ay lamang pa rin si Chua, 7-6, rumatsada ito ng anim na panalo upang tapusin na si Gorst at hablutin ang korona.
- Latest





















