Suarez-Navarrete Part 2

MANILA, Philippines — Mananatili pa rin si Filipino world title challenger Charly Suarez na walang talo.
At ang mas mahalaga ay muling mabibigyan si Suarez ng isa pang pagkakataon para sa inaasam na World Boxing Organization (WBO) super featherweight title na suot ni Mexican Emmanuel Navarrete matapos ang kanilang controversial fight noong nakaraang buwan na itinuring na ‘no contest’.
Inihayag kahapon ng Promoter Top Rank Inc. na binago ng California State Athletic Commission, namahala sa title fight noong Mayo 10 sa San Diego, California, na binago nito ang resulta ng laban mula sa technical-decision win para kay Navarrete sa isang ‘no contest’.
Natalo si Suarez kay Navarrete sa Pechanga Arena matapos itigil ang laban sa eighth round dahil sa malaking putok sa kaliwang kilay ng reigning champion na nangyari sa sixth round.
Sinabi ni referee Edward Collantes na ito ay dahil sa isang accidental clash ng dalawang boksingero.
Subalit sa replays ay nakitang nakakonekta si Suarez ng isang solid left straight sa kaliwang kilay ni Navarrete.
Bago ihinto ang laban ay lamang si Navarrete sa mga scorecards, 78-75, 77-76, 77-6.
Kung hindi itinigil ni Collantes ang suntukan ay si Suarez sana ang nanalo sa pamamagitan ng technical knockout.
Ipinag-utos na ng Top Rank ang isang agarang rematch nina Suarez at Navarrete. Malinis pa rin ang record ng Filipino former Olympian sa 18-0 tampok ang 10 knockouts. — Dino Maragay
- Latest

















