^

PSN Palaro

Canino babandera sa DLSU kontra sa NU sa Finals

Nilda Moreno - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Rarampa sa UAAP Finals ang De La Salle University na dala ang de­ter­minasyong masilo at ma­agaw ang korona sa defending champions Na­tio­nal University.

Magsisimula ang Game One ng UAAP Season 87 women’s volleyball best-of-three finals sa Mayo 11 sa Smart Araneta Coliseum.

Taas-noong maglalaro si Lady Spikers team captain Angel Anne Canino at nais nitong ipa­kita sa kanyang mga teammates upang madala rin nila sa paghahamon sa Lady Bulldogs.

“I start with pride. I think, pinakaimportante din talaga na papuntang Finals, kaila­ngan sa mga players ng La Salle ‘yung pride dala- dala nila,” sabi ng 21-anyos na si Canino.

Ayon pa sa dating Rookie-MVP, gusto rin niyang maipagpatuloy ang pagiging champion coach ni Ramil De Jesus.

“Part of the legacy din ni Coach Ramil ‘yon, eh—na nabuo na over the years na naging coach si Coach Ramil. Isa rin ‘yung pagi­ging Lady Spikers, ‘yung tinatawag na Lady Spikers, ‘yung value ng pagiging Lady Spikers.” dagdag ni Canino.

Nakapagtala na si De Jesus ng 12 UAAP championships para sa La Salle sa kanyang 21st Finals appearance ngayong season.

Bitbit ng Lady Spikers ang ‘twice-to-beat’ advantage sa semifinals matapos ang No. 2 seeding nila sa double round robin.

Tinalo nila sa Final Four ang No. 3 University of Sto. Tomas 25-22, 11-25, 25-21, 25-21, noong Sabado.

Bumida si Canino sa kanyang 19 points katuwang sina Amie Provido at Shevana Maria Nicola Laput may 15 at 14 markers, ayon sa pagkaka­sunod.

Sinibak naman ng NU ang FEU, 20-25, 22-24, 25-23, 25-14, 17-15, sa Final Four.

ANGEL

CANINO

UAAP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with