Lady Stags dapa sa Lady Blazers
MANILA, Philippines — Umarangkada si Zamantha Nolasco para akbayan sa panalo ang defending champions College of St. Benilde kontra San Sebastian College-Recoletos, 25-23, 25-9, 25-23, sa NCAA Season 100 women’s volleyball tournament kahapon sa FilOil Arena sa San Juan City.
Tumikada si Nolasco ng 16 points mula sa 11 attacks at limang blocks para sa St. Benilde na tangan ang 10-2 card at bahagyang nakalapit sa nangungunang Letran.
Mag-isa sa No. 2 ang Lady Blazers at may hawak namang 11-2 baraha ang Lady Knights.
Nag-ambag si Cristy Ondangan ng pitong puntos para sa St. Benilde at bumakas sina Shanna Rheign Lleses, Rhea Mae Densing at Clydel Mae Catarig ng tig-anim na marka.
Nagsanib-puwersa sina Katherine Santos at Christina Marasigan para sa San Sebastian nang ilista ang 16 at 11 points. ayon sa pagkakasunod.
Pero hindi sapat upang itaguyod sa panalo ang Lady Stags na nalasap ang pang-anim na kabiguan sa 13 salang.
Pagkakataon ng Baste na makabangon agad mula sa pagkakadapa sa Mayo 6 laban sa league leader na Lady Knights.
Pang-anim na puwestuhan sa team standings ang Lady Stags kaya malaki pa ang pag-asa nilang makapasok sa magic four.
Lady Stags dapa sa Lady Blazers
Nilda Moreno

- Latest