6 foreign teams lalahok sa PH trackfest
MANILA, Philippines — Mahigit 800 tracksters kabilang ang mga pambato ng anim na foreign teams ang sasabak sa ICTSI Philippine Athletics Championships 2025 na aarangkada sa Mayo 1 hanggang 4 sa New Clark City sa Capas, Tarlac.
Mismong si Reli de Leon na special assistant ni Philippine Athletics Track and Field Association (PATAFA) president Terry Capistrano ang nagkumpirma kung saan darating sa bansa ang Malaysia, Singapore, Indonesia, Taiwan, India at Papua New Guinea.
Ito ay magsisilbing qualifying para sa bubuuing national track and field team na sasabak sa 2025 Southeast Asian Games sa Disyembre sa Thailand.
“The event serves as the basis for the selection of our national team to the Southeast Asian Games in Thailand in December so we expect the best performances from them,” ani De Leon sa pagbisita nito sa Philippine Sportswriters Association Forum kasama sina national coaches Dario de Rosas at Jeoffrey Chua.
Maliban sa SEA Games, magiging basehan ito para makabuo ng under-18 team para sa Asian Youth Games sa Bahrain sa Oktubre.
Ang event ay Category B sa World Athletics.
Kaya naman magiging pukpukan ang labanan lalo pa’t naghahabol ang mga foreign bets na makalikom ng puntos para sa World Championships sa Japan sa Setyembre.
Idaraos ang mga laban mula alas-2 ng hapon hanggang alas-9 ng gabi upang makaiwas sa matinding init ng panahon.
- Latest