^

PSN Palaro

Unang NCAA crown target ng Junior Altas

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
This content was originally published by Pilipino Star Ngayon following its editorial guidelines. Philstar.com hosts its content but has no editorial control over it.
Unang NCAA crown target ng Junior Altas
Sasagupain ng University of Perpetual Help System DALTA ang College of St. Benilde-La Salle-Greenhills ngayong alas-2:30 ng hapon sa ‘winner-take-all’ Game Three ng NCAA Season 100 juniors basketball finals sa FilOil EcoOil Centre sa San Juan City.

MANILA, Philippines — Ito na ang huling pagkakataon ng Junior Altas para makamit ang kauna-una­hang korona sapul nang sumali sa NCAA noong 1984.

Sasagupain ng University of Perpetual Help System DALTA ang College of St. Benilde-La Salle-Greenhills ngayong alas-2:30 ng hapon sa ‘winner-take-all’ Game Three ng NCAA Season 100 juniors basketball finals sa FilOil EcoOil Centre sa San Juan City.

“We will give all our best, ilalabas na lahat din ng Greenies,”  wika ni Junior Altas coach Joph Cleopas.

Matapos ilusot ng Perpetual ang 100-96 panalo sa Game One ay bumawi ang CSB-LSGH sa 95-91 pagtakas sa Game Two para itabla sa 1-1 ang kanilang best-of-three championship series.

Ang kauna-unahang titulo ang hangad ng Junior Altas, habang ang ikalawang kampeonato ang target ng Greenies na naghari noong 2017.

Muling aasahan ng Perpetual ni Cleopas sina Most Valuable Player Lebron Jhames Daep, Jan Roluna, Jericho Cristino, Icee Callangan, JD Pagulayan at Dan Rosales.

Isasalang ng CSB-LSGH ni mentor Ren-Ren Ritualo Jr. sina Guillian Quines, Migz Osis, Gian Gomez, Brandon Yutuc at Ram Sharma.

“We have to outwork them, we have to wanted it more and we have to like fight for every possession,” ani Ritualo.

SPORTS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with