Petro Gazz sumakses kay Tsuzurabara

MANILA, Philippines — Sa gitna ng pagdiriwang ng Petro Gazz matapos talunin ang Creamline sa ‘winner-take-all’ Game Three ng 2024-25 Premier Volleyball League (PVL) All-Filipino Conference ay naglakad lamang sa gilid ng court si coach Koji Tsuzurabara.
Nilapitan siya ni team captain Remy Palma at niyakap nang mahigpit kasabay ng pag-agos ng kanilang mga luha. Alam nilang tapos na ang mahabang six-month conference, at sila na ang bagong reyna ng PVL All-Filipino Conference.
“If I say a thing, I will cry,” sabi ni Tsuzurabara. “Every day, I scold my players but they did their best performance today. I appreciate them, my coaching staff and the management.”
Inihatid ng 60-anyos na si Tsuzurabara ang Gazz Angels sa pagkopo sa una nitong PVL AFC gold medal para sa ikatlong korona matapos magreyna sa 2019 at 2022 Reinforced Conference.
“Actually sobrang saya namin siyempre first time, ilang beses kami na nasa championship — twice? All-Filipino ngayon ‘yung step by step namin biglang sumakses,” ani power hitter Jonah Sabete.
Kinuha ng Petro Gazz ang Japanese mentor noong 2024 para palitan si Timmy Sto. Tomas sa bench.
Nanatili ang kumpiyansa ni Tsuzurabara kina Fil-Ams Brooke Van Sickle at MJ Phillips katuwang sina Myla Pablo, Aiza Maizo-Pontillas, Chie Saet, Sabete at Palma.
“We persevered through a lot. We had a lot of ups and downs. I’m just so proud. You know, everyone just has that fighting spirit and everyone’s just great people, on and off the court, just selfless people,” ani Van Sickle na muling hinirang na PVL AFC Most Valuable Player sa ikalawang sunod na pagkakataon.
Kinilala naman si Phillips bilang Finals MVP.
- Latest