Doncic, Lakers lumapit sa playoff spot

OKLAHOMA CITY — Nagkuwintas si Luka Doncic ng 30 points, 7 rebounds at 6 assists para banderahan ang Los Angeles Lakers sa 126-99 panalo sa Western Conference leader Thunder.
Nag-ambag si Austin Reaves ng 20 markers tampok ang apat na three-pointers habang may 19 points si LeBron James sa paglapit ng Los Angeles (48-30) sa isa sa apat na automatic playoff spots sa West.
Binanderahan ni Shai Gilgeous-Alexander ang Oklahoma City (64-14) sa kanyang 26 points.
Kumonekta ang Lakers ng 15 triples para iposte ang 78-56 halftime lead na hindi na nila isinuko sa Thunder sa second half.
Sa San Francisco, tinapos ng Houston Rockets (52-27) ang five-game winning streak ng Golden State Warriors (46-32) sa kanilang 106-96 panalo.
Sa Cleveland, bumanat si Zach LaVine ng 37 points sa 120-113 pagsapaw ng Sacramento Kings (38-40) sa Cavaliers (62-16) at palakasin ang tsansa sa play-in spot.
Sa Boston, naglista si Luke Kornet ng 13 points at 14 rebounds at may 11 markers at 10 boards si Al Horford sa 124-90 pagdaig ng nagdedepensang Celtics (58-20) sa Washington Wizards (17-61).
Sa New Orleans, kumana si Gary Trent Jr. ng season-high 29 points sa 111-107 paggupo ng Milwaukee Bucks (44-34) sa Pelicans (21-57).
- Latest