Creamline tutok sa Finals

MANILA, Philippines — Sesentro na ang atensiyon ng defending champion Creamline sa ika-11 korona sa Premier Volleyball League (PVL) All-Filipino Conference.
At malaking tulong ang pagbabalik sa porma nina dating MVPs Alyssa Valdez at Tots Carlos lalo pa’t papasok na sa krusyal na best-of-three championship series ang liga.
Sa katunayan, ito ang unang pagkakataon na muling masisilayan si Valdez sa finals dahil galing ito sa ilang buwan na pahinga matapos magtamo ng injury noong nakaraang taon.
“I’m very proud. This is my first time back in the Finals in a while. Every conference, we write a different story of how we make it to the Finals,” ani Valdez.
Kaya naman sa pagbabalik nito sa aksyon, desidido si Valdez na makapag-ambag upang makuha ang kampeonato para sa Cool Smashers.
“This one is another chapter, and we’re eager to finish it strong. We’ve faced struggles behind the scenes, but we’ve stuck together, and that’s what we’re counting on to get us through this series,” ani Valdez.
Ganito rin ang sitwasyon ni Carlos na galing din sa pahinga bunsod ng iniinda nitong injury.
Malaki ang papel ni Carlos sa mga nakalipas na kampeonato ng Cool Smashers.
At nais nitong muling ibuhos ang kanyang lakas para makatulong sa kanilang tropa.
“Honestly, it’s been a while since I last played in the Finals, so it feels great to be back,” ani Carlos.
Malaki ang pasasalamat nina Valdez at Carlos sa pamunuan ng Cool Smashers na siyang sumusuporta sa kanila sa kabila ng kanilang mga injuries.
Magsisimula ang Game 1 ng finals sa Martes kung saan makakaharap ng Creamline ang Petro Gazz.
- Latest