Curry bumandera sa Warriors laban sa Lakers
LOS ANGELES - Nagsalpak si Stephen Curry ng 37 points, habang nagdagdag ng 28 markers si Brandin Podziemski sa 123-116 pagdaig ng Golden State Warriors sa Lakers sa isang potential first-round playoff preview.
Kumonekta si Curry ng apat na three-point shots at may career-high na walong triples si Podziemski para sa ikaapat na sunod na ratsada ng Golden State (45-31).
Nagmula si Curry sa isang 52-point effort, tampok ang 12 triples sa kanilang panalo sa Memphis Grizzlies noong Martes.
Humakot si LeBron James ng 33 points kasunod ang 31 markers ni Austin Reaves na nagpasok ng siyam na tres sa panig ng Los Angeles (46-30).
Nag-ambag si Rui Hachimura ng 24 points at may 19 markers si Luke Doncic para sa Lakers na nakalapit sa 99-105 sa dulo ng fourth period.
Ang dalawang free throws ni Curry ang nagbigay sa Warriors ng 123-116 bentahe para selyuhan ang panalo.
Sa Philadelphia, hinirang si Giannis Antetokounmpo bilang unang player sa NBA history na nagtumpok ng 35 points, 17 rebounds at career-high 20 assists sa 126-113 pagsuwag ng Milwaukee Bucks (42-34) sa 76ers (23-54).
Sa Miami, ipinasok ni Ja Morant ang isang 12-foot jumper sa pagtunog ng final buzzer sa 110-108 pagtakas ng Grizzlies (45-32) sa Heat (35-42) na napigilan ang six-game winning run.
Sa Washington, humakot si Paolo Banchero ng 33 points, career-high 18 rebounds at 8 assists sa 109-97 pagbugbog ng Orlando Magic (38-40) sa napatalsik nang Wizards (17-60).
- Latest


















