Cheers, Calvin!
Buti pa si Calvin Oftana. Walang keme-keme kung paano siya mag-celebrate ng PBA championship.
“Basta ako lasing ako ngayon. Lasing ako ngayon,” ang sabi ni Calvin sa mga reporters matapos talunin ng TNT ang Ginebra sa Game 7 ng Commissioner’s Cup finals nung Biyernes.
Tatlong buwan daw dehins tumikim ng alak si Calvin dahil sa tournament. Kaya nung matapos ang lahat, uhaw ang Three-Point King ng PBA.
“Empty bottle ako ngayon,” ang pangiting sabi ni Calvin sa Araneta Coliseum.
Tinanong siya tungkol sa Grand Slam after kunin ng TNT ang second straight championship nito this season.
“Mamaya na natin pag-usapan ‘yan. Ngayon muna. ‘Yung ngayon muna,” ika ni Calvin.
Nung manalo ang TNT sa Governors’ Cup, ‘yan din ang sinabi niya. Well, ang importante, may disiplina si Calvin na kung oras ng trabaho, trabaho.
I’m sure walang masama kung mag-celebrate si Calvin kung pano niya gusto. Siguradong maboboteng usapan.
Marami akong nakasama na PBA player sa mesa. At sa totoo lang, ibang klase talaga sila. Tumba ang isang case.
Kaya Calvin, enjoy lang.
Pero sana, all.
- Latest