^

PSN Palaro

Timberwolves, Pistons nagrambulan

Pilipino Star Ngayon
This content was originally published by Pilipino Star Ngayon following its editorial guidelines. Philstar.com hosts its content but has no editorial control over it.

MINNEAPOLIS — Limang players, isang head coach at isang assistant coach ang napatalsik sa rambulan ng Minnesota Timberwolves at Detroit Pistons dito sa Target Center.

Nangyari ang gulo sa 8:36 minuto sa second quarter kung saan hawak ng Pistons (42-33) ang 39-30 abante sa Timberwolves (43-32).

Minasama ni Minnesota forward Naz Reid ang pagbangga sa kanya ni Ron Holland II ng Pistons na nagresulta sa kanilang sagutan at nauwi sa pagsugod nina Donte DiVincenzo, Marcus Sasser at Isaiah Stewart.

Pinatalsik sa laro sina Reid at DiVincenzo ng Minnesota at sina Holland, Sasser at Stewart ng Detroit kasama sina Pistons head coach J.B. Bickerstaff at Timberwolves assistant coach Pablo Prigioni.

Sa huli ay tinalo ng Minnesota ang Detroit, 123-104, tampok ang 26 points ni Julius Randle at 25 markers ni Anthony Edwards.

Pinamunuan ni Malik Beasley ang Pistons sa kanyang 27 points kasunod ang 20 markers ni Tim Hardaway Jr.

Sa Milwaukee, nagpa­sabog si Zaccharie Risacher ng season-high 36 points sa 145-124 pagdagit ng Atlanta Hawks (36-38) sa Bucks (40-34).

Sa Phoenix, nagbagsak si Fil-Am Jalen Green ng 33 points para banderahan ang Houston Rockets (49-26) sa 148-109 panalo sa Suns (35-40).

Sa San Antonio, bumira si Brandin Podziemski ng 27 points at may 13 mar­kers si Stephen Curry sa 148-106 pagmasaker ng Golden State Warriors (43-31) sa Spurs (31-43).

SPORTS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with