^

PSN Palaro

Deal or No Deal?

PRESS ROW - Abac Cordero - Pilipino Star Ngayon

May tampuhan ba ang PBA at  Araneta Coliseum?

LQ or lovers’ quarrel?

Wala daw according to commissioner Willie Marcial matapos lumabas ang issue sa mga advertising boards or LED screens sa Araneta tuwing may PBA game.

Dati, basta bayad na ang venue, PBA na ang may control ng lahat ng advertising materials sa venue. Labas na ang Araneta sa usapan.

Pero may nakuha daw na memo ang PBA from Araneta na mula ngayon, kailangan na dumaan sa favorite venue ng liga ang mga advertisements.

Baka gumawa ng computation at nakita nila possible shares at  additional revenue or takits.

Nagulat ang PBA sa memo dahil papasok na sa finals ang Commissioner’s Cup. Kaya agad nakipag-meeting si Kume sa representatives ng Araneta.

Sabi ni Kume, ‘wag na simulan this season ang bagong rule dahil complicated. Pirmado na nga naman ang advertising contracts at too late na for adjustments.

Instead, sa 50th season na lang daw sa October simulan ang bagong deal.

Pumayag kaya ang Araneta?

PBA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->