^

PSN Palaro

Lady Altas dumiretso sa 4

Nilda Moreno - Pilipino Star Ngayon
Lady Altas dumiretso sa 4
Pinaluan ni rookie Jemalyn Menor ng Perpetual Lady Altas si Marrianne Padillon ng Arellano Lady Chiefssa kanilang laban sa 2025 NCAA Season 100 women's volleyball tournament.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Kinadena ng University of Perpetual Help System Dalta ang pang-apat na sunod na panalo matapos kalusin ang Arellano University, 25-12, 25-15, 21-25, 26-24 sa first round ng NCAA Season 100 women’s volleyball tournament na nilaro sa LPU Gym, Manila, kahapon.

Humarbat si Jemalyn Menor ng 19 points mula sa 18 attacks at isang service ace upang tulungan ang Lady Altas na ipinta ang 4-0 card at manatiling mag-isa sa tuktok ng team standings.

Matapos ang magaan na panalo ng Perpetual Help sa unang dalawang sets ay biglang pumalag ang Lady Altas na nakahirit ng set four.

Napalaban pa rin ang Lady Altas sa fourth frame dahil naging mabalasik ang laro ng Arellano, ganunpaman ay nakuha pa rin ng una ang panalo.

Tumulong sa opensa kay Menor sina Winnie Bedana, Shaila Allaine Omipon at Pauline Mae Reyes na bumakas ng tig- 13 puntos habang walo ang kinana ni Daizerlyn Joyce Uy.

Tumikada si Marianne Lei Angelique Padillon ng 10 markers para sa Arellano U na may 1-3 karta.

Samantala, nagwagi ang Mapua University sa Lyceum of the Philippines, 25-19, 18-25, 21-25, 25-20, 16-14  sa unang laro.

Maagang ipinaramdam ng Mapua ang kanilang lakas nang sikwatin ang panalo sa unang set pero natisod sila sa set 2 at 3 kaya naman nalagay ang mga ito sa alanganin na sitwasyon.

Hindi nagpabaya ang Mapua, mula sa tulong nina Ricablanca at Garcia ay nasungkit nila panalo sa fourth frame para makahirit ng deciding fifth set.

HELP SYSTEM DALTA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with