^

PSN Palaro

Lady Spikers kulang sa kumpiyansa - De Jesus

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines —  Nakukulangan pa si De La Salle University head coach Ramil de Jesus sa ipinapakita ng kanyang bataan sa UAAP Season 87 women’s volleyball tournament.

Kitang-kita ang pagka­dismaya ni De Jesus nang walisin ang tropa nito ng defending champion National University sa kanilang unang laro sa season.

Ito ang unang beses na natalo si De Jesus sa first game nito sa liga sa nakalipas na maraming taon bilang head coach ng Lady Spikers.

Kaya naman matindi ang naging pagresbak ng La Salle nang patumbahin nito ang Adamson University sa kanilang sunod na laro para makabalik sa porma.

Sumampa sa win co­lumn ang La Salle tangan ang 1-1 rekord.

Umaasa si De Jesus na ito na ang magiging simula upang makabalik na sa porma ang kanyang tropa.

Aminado si De Jesus na kulang pa ang kumpiyansa ng kanyang tropa.

Ngunit tiwala ito na mag­babalik ang bagsik ng Lady Spikers sa mga susunod na laban.

“Kulang namin is kum­piyansa pa. Sa first game namin, medyo nagkulang sa paniniwala sa sarili and sa team,” ani De Jesus.

Maraming natutunan ang La Salle sa huling dalawang laro nito partikular na ang malabanan ang matinding pressure lalo na sa mga krusyal na sandali ng laban.

SPIKERS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with