^

PSN Palaro

Gilas itutumba ang Lebanon sa Doha tourney

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Gilas itutumba ang Lebanon sa Doha tourney
Gilas Pilipinas
Facebook / Inspire Sports Academy

MANILA, Philippines — Sa loob ng 24 oras ay sa­salang sa ikalawang su­nod na laro ang Gilas Pi­lipinas sa 2nd Internatio­nal Friendly Basketball Championship ngayong gabi sa Doha, Qatar.

Makakasagupa ng Gilas Pilipinas sa second game nito ang Lebanon sa alas-6 ng gabi (alas-11 ng gabi sa Maynila) sa four-na­tion tournament.

Una nang nakaharap ng Pinoy squad ang host Qatar kaninang ala-1:30 ng madaling araw (oras sa Maynila).

Dikit-dikit ang laban ng Gilas Pilipinas sa Doha meet.

Ngunit magandang pag­subok ito para sa Gilas Pilipinas upang mabilis na makapag-adjust at maka­re­kober ang kanilang kata­wan sa oras na sumalang ito sa mas importanteng la­ban sa FIBA Asia Cup Qua­lifiers.

Dalawang sunod na la­ban din ang haharapin ng Gilas Pilipinas sa qualifiers — sa magkahiwalay na venues pa.

Una na ang Chinese-Taipei sa Pebrero 20 sa Tai­pei, Taiwan at ang New Zealand sa Pebrero 23 sa Auckland, New Zealand.

Kaya naman umaasa si Gilas Pilipinas head coach Tim Cone na makatutulong ng malaki ang Doha tour­nament para mas lalo pang mabuo ang chemistry ng kaniyang tropa lalo pa’t kakababalik lamang nito sa sama-samang ensayo.

Magiging maingat din ang coaching staff upang maiwasan ang anumang injury bago sumabak sa qualifiers dahil ito ang mas importanteng laro kumpara sa Doha tournament.

“Most important here is winning the window. Doha is just a preparation,” ani Cone sa kaniyang naunang panayam.

Sa kabila ng pagkawala ng ilang key player partikular na si Kai Sotto na kasalukuyang nasa rehabilitas­yon matapos ang ACL in­jury nito ay nananatiling so­lido ang Gilas Pilipinas.

Bumabandera si na­turalized player Justin Brownlee kasama ang mga be­teranong sina June Mar Fajardo, Scottie Thompson, Chris Newsome at CJ Perez.

Balik-Gilas na rin sina AJ Edu at Jamie Malonzo na parehong galing sa injury, habang kasama rin sina Carl Tamayo, Mason Amos, Dwight Ramos at two-time UAAP MVP Kevin Quiambao.

DOHA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->