^

PSN Palaro

LeBron binanderahan ang Lakers vs Wizards

Pilipino Star Ngayon
LeBron binanderahan ang Lakers vs Wizards
Lumipad si Los Angeles Lakers star LeBron James para sa kanyang slam dunk laban sa Washington Wizards
STAR/ File

WASHINGTON, Philippines — Nag­ka­dena si LeBron James ng 24 points at 11 assists bago ipahinga sa fourth quarter sa 134-96 paglampaso ng Los Angeles La­kers sa Wizards.

Sa pag-upo ni James ay ibinabad naman ang anak niyang si Bronny sa ka­buuan ng fourth period at umiskor ng career-high na limang puntos para sa Los Angeles (27-19).

Nalasap ng Washington (6-41) ang pang-16 su­nod na kamalasan na du­muplika sa kanilang franchise record.

Bagama’t hindi nagl;aro si star center Anthony Davis dahil sa isang abdominal muscle strain ay nagawa pa rin ng Lakers na tam­ba­kan ang Wizards sa halftime, 78-45, patungo sa pagtatayo ng isang 39-point lead sa huling 1:25 minuto ng final canto.

Pinamunuan ni Jordan Poole ang Washigton sa kanyang 19 points.

Sa Cleverland, umiskor si Darius Garland ng 26 points at may 24 markers si Donovan Mitchell sa 137-115 pagmasaker ng NBA-leading Cavaliers (39-9) sa Atlanta Hawks (22-26).

Sa Salt Lake City, bu­ma­nat si Anthony Edwards ng 36 points para pangu­nahan ang Minnesota Tim­berwolves (27-21) sa 138-113 paggupo sa Utah Jazz (10-36).

Sa Portland, tumipa si guard Scoot Henderson ng 23 points, 7 assists at 5 re­bounds para banderahan ang Trail Blazers (19-29) sa 119-90 pagpapabagsak sa Orlando Magic (24-25).

Sa Memphis, nagtala Des­mond Bane na may 24 points at 12 rebounds, ha­bang ipinasok ni Jaren Jackson Jr. ang dalawang free throws sa huling 8.6 se­gundo sa 120-119 pagtakas ng Grizzlies (32-16) sa Houston Rockets (32-15).

LEBRON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->