Tagumpay ang AFAD Defense and Sports Arms Show

MANILA, Philippines — Tagumpay ang unang araw ng 30th Association of Firearms and Ammunition Dealers (AFAD) Defense and Sports Arms Show na ginaganap sa SMX Convention Center sa Pasay City.

Dumagsa ang mga gun enthusiasts sa venue ka­bilang na rin ang ilang ki­lalang personalidad para masilayan ang iba’t ibang uri ng armas.

Tatakbo ang AFAD event hanggang Linggo ka­ya’t may pagkakataon pa ang lahat na makita ang iba’t ibang dekalibre at magagandang kalidad na armas.

Masaya si AFAD Spokesperson Alaric ‘Aric’ To­pacio sa mainit na pagtanggap sa kanilang unang araw at umaasa itong magpapatuloy ito hanggang sa huling araw.

Ito ang huling edis­yon ng AFAD Defense and Sports Arms Show sa taong ito matapos ang ma­tagumpay na pagdara­os ng unang dalawang edisyon sa magkahiwalay na venues.

Ginanap ang unang edis­yon sa parehong ve­nue sa SMX, habang du­ma­yo rin ang AFAD Defense and Sports Arms Show sa Davao City.

May mahigit 40 booths ang nasa SMX.

Show comments