^

PSN Palaro

Benilde didikit sa F4 bonus

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Hahakbang ang College of St. Benilde palapit sa isa sa dalawang ‘twice-to-beat’ incentive sa Final Four sa pagharap sa Letran College sa second round ng NCAA Season 100 men’s basketball sa FilOil EcoOil Centre sa San Juan City.

Sasagupain ng Blazers ang Knights ngayong alas-2:30 ng hapon matapos ang banggaan ng Lyceum Pirates at Jose Rizal Heavy Bombers sa alas-12 ng tanghali.

Patuloy ang pagsosolo ng St. Benilde sa liderato hawak ang 12-2 baraha sa itaas ng Mapua (12-3), nagdedepensang San Beda (10-5), Emilio Aguinaldo College (7-8), Lyceum (7-8), Letran (7-8), Perpetual Help (6-10), Arellano (6-9), Jose Rizal (4-11) at San Sebastian (4-11).

Nasa six-game winning streak ang Blazers na hu­ling biniktima ang Altas, 61-56, noong Oktubre 30.

“Gagawin ko lang ‘yung best ko kasi history ito, Season 100. Gusto kong makuha ‘yung championship. Tapos na ako doon sa Final Four eh,” ani Justine Sanchez.

vuukle comment

SPORTS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with