Batang Antipolo
Ibang klase ang Antipolo crowd.
Dumagsa sila para sa Game 1 ng PBA Governors’ Cup finals nung Linggo.
Three hours before the game, may fans na sa venue. Nakapila na.
Pero kinapos ang tickets. Ubos. Nagbenta tuloy ng SRO tickets. Standing position.
Maraming dehins nakapasok. Sabi ng PBA, 11,021 ang nanood. Lampas sa seating capacity ng Ynares Center.
Pati si Sen. Bong Go at senatorial candidate na si Gov. Chavit Singson at ang kanilang mga bodyguards, hirap pumasok at lumabas ng venue.
Parang butas ng karayom. Dinumog sila ng fans for selfies.
Pero kitang-kita na lamang ang mga taga-Barangay. May buong pamilya, pati mga bata, naka Ginebra jersey. Outnumbered ang TNT fans.
Kaso, TNT ang nanalo, 104-88. Ewan ko ba, sa dami ng Ginebra fans at sa lapit ng simbahan, kinulang pa sila sa dasal.
Mahaba pa naman ang best-of-seven series dahil 1-0 pa lang.
Game 2 mamaya sa Araneta. Manalig po kayo.
- Latest