^

PSN Palaro

Suarez inangkin ang WBO International title

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Naitarak ni dating Olympian Charly Suarez ang impresibong third round knockout win kay American Jorge Castaneda upang masungkit ang World Boxing Organization (WBO) International junior lightweight title kahapon sa Desert Diamond Arena sa Glendale, Arizona.

Pinakawalan ni Sua­rez ang left hook dahilan upang magulantang si Cas­­taneda sa huling 58 se­gundo ng third round.

Nakatakas ang Amerikano na nagawa pang ma­­kabangon.

Subalit isa pang solidong kumbinasyon ang ini­la­tag ni Suarez para muling patumbahin si Castaneda may 38 segundo pa.

Nanatiling malinis ang rekord ni Suarez na mayroong 18-0 panalo tampok ang 10 knockouts.

Bumagsak si Castaneda sa 17-4 marka kabilang ang 13 knockouts.

Orihinal sanang makakasagupa ni Suarez ang kapwa unbeaten na si An­dres Cortes sa isang WBO eliminator fight.

Subalit nagpasya ang kampo ni Cortes na umatras sa laban matapos mag­tamo ng injury ilang linggo bago ang bakbakan.

Sunod na tatargetin ni Suarez si WBO junior fea­therweight champion Em­manuel Navarrete.

OLYMPIC

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with