‘Enteng’ ginulo ang PVL Finals sked
MANILA, Philippines — Sa Miyerkules pa matutunghayan ang one-game championship duel ng Creamline at Akari para sa korona ng 2024 Premier Volleyball League (PVL) Reinforced Conference.
Ito ay matapos ipagpaliban kahapon ng PVL ang nasabing laro dahil sa paghataw ng bagyong ‘Enteng’ sa Metro Manila simula noong Linggo.
“Due to inclement weather brought by Tropical Storm Enteng, all Premier Volleyball League games scheduled for Monday, September 2, have been postponed and will be moved to September 4,” sabi ng PVL.
“Stay safe and dry.”
Nakatakda sana ang titular showdown ng Cool Smashers at Chargers at ang bakbakan ng PLDT High Speed Hitters at Cignal HD Spikers para sa third place sa Smart Araneta Coliseum.
Lalaruin ang dalawang knockout games sa Philsports Arena sa Pasig City.
Noong Agosto 29 ay ipinagpaliban din ng liga ang knockout semifinal games ng Akari at PLDT at ng Creamline at Cignal HD sa Philsports Arena dahil sa power outage sa Pasig City bunga ng malakas na pagbuhos ng ulan.
Inilipat ang naturang mga laro noong Agosto 31 kung saan tinalo ng Cool Smashers ang HD Spikers at binigo ng Chargers ang High Speed Hitters para plantsahin ang kanilang PVL championship match.
- Latest