PLDT nagprotesta
MANILA, Philippines — Tuluyan nang nagsampa ng protesta kahapon ang PLDT dahil sa kanilang unsuccessful challenge sa match point sa knockout semifinals game nila ng Akari sa 2024 PVL Reinforced Conference noong Sabado.
Tinakasan ng Chargers ang High Speed Hitters, 25-22, 18-25, 22-25, 26-24, 17-15, papasok sa kanilang kauna-unahang PVL finals appearance.
Sinabi ng PLDT sa isang team statement na opisyal nilang isinampa ang protesta sa PVL Board.
“We are overwhelmed with the support we are getting not only from our loyal PLDT supporters but also from Philippine volleyball fans across multiple fandoms who have been encouraging us to file a protest to bring back some sense of integrity into the sport we all love,” pahayag ng PLDT.
“In this regard, we have officially filed a complaint with the PVL Board. Our High Speed Hitters and the coaches have been fighting tooth and nail for every win and every point. This is us, the management, showing that we will fight for them, too. From this point on, we can only hope for the best.”
Bitbit ang 14-13 bentahe sa fifth set, tumawag ang PLDT ng net fault challenge kung saan nakita nilang nagalaw ni Akari middle blocker Ezra Madrigal ang net.
Matapos ang review ay itinuring itong unsuccessful challenge ng mga PVL officials na nagbigay sa Chargers ng puntos at nagtabla sa laro sa 14-14.
“There was no fault because na-establish na ‘yung position, ‘yung dalawang paa before she (Madrigal) turned,” ani PVL Commissioner Sherwin Malonzo sa nakalagay sa FIVB casebook.
“Wala na ‘yung action of playing the ball doon sa net when she twisted. The play was already with Oly (Okaro) going to the setter. Kumbaga, wala na siyang kinalaman.”
Wala man kinalaman sa nasabing kontrobersiya ay plano ng High Speed Hitters na umatras sa 2024 PVL Invitational Conference na nakatakda sa Setyembre 4 hanggang 11.
Ito ay dahil sa injury nina Fil-Canadian ace Savi Davison at Kianna Dy.
- Latest