^

PSN Palaro

Converge giba sa 51 pts ni Tolentino

Rusell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
Converge giba sa 51 pts ni Tolentino
Ang semi hook shot ni Arvin Tolentino ng NorthPort kontra kay Converge guard Alec Stockton.
PBA Image

MANILA, Philippines — Halimaw na laro ang ginawa ni Arvin Tolentino para igiya ang NorthPort sa 135-109 paggupo sa Converge sa PBA Season 49 Governors’ Cup kahapon sa Ninoy Aquino Stadium sa Malate, Manila.

Bumanat si Tolentino ng bagong career-high na 51 points tampok ang 16-of-16 shooting sa free throw line para sa dalawang sunod na panalo ng Batang Pier sa tatlong laro at pinigilan ang asam na back-to-back wins ng FiberXers para sa 2-2 marka.

“Pag-start pa lang ng game no letup na. I felt na maganda iyong itinatakbo ng team, especially sa transition at sa defense,” ani Tolentino. “Siguro nasuwertehan lang na palagi sa akin iyong bola at nashu-shoot ko.”

Nag-ambag si Joshua Munzon ng 19 markers habang nalimitahan si Australian import Venky Jois sa anim na puntos.

Binuksan ng NorthPort ang laro sa 13-3 hanggang iwanan ang Converge sa 57-33 bago ang halftime.

Ang basket ni Will Navarro ang nagposte sa 29-point lead, 98-69, ng Batang Pier sa huling 2:01 minuto ng third quarter patungo sa 125-104 pagbaon sa FiberXers sa 2:02 minuto ng final canto.

Pinamunuan ni import Scotty Hopson ang Converge sa kanyang 24 points at may 19 at tig-16 markers sina Alec Stockton, Justin Arana at Schonny Winston, ayon sa pagkakasunod.

Samantala, puntirya ng Rain or Shine (3-0) na maitayo ang 4-0 baraha sa pagsagupa sa Phoenix (0-2) ngayong alas-5 ng hapon kasunod ang banatan ng Barangay Ginebra (1-1) at Blackwater (0-3) sa alas-7:30 ng gabi.

Umiskor ang E-Pain­ters ng 124-105 panalo sa NLEX Road Warriors (2-1)habang ipaparada ng Fuel Masters si bagong import Le’ Bryan Nash kapalit ni Jay McKinnis.

vuukle comment

PBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with