Brownlee wala pa ring kupas
MANILA, Philippines — Mainit si Barangay Ginebra import Justin Brownlee sa PBA Season 49 Governors’ Cup.
Nagtala ito ng career-high 51 points para tulungan ang Gin Kings na makuha ang 108-102 panalo laban sa San Miguel Beer noong Martes sa Araneta Coliseum.
Magandang resbak ito sa kanyang 18 puntos na performance sa 73-64 kabiguan ng Ginebra kontra sa Rain or Shine noong Sabado.
Sinabi ni Brownlee na malaking tulong sa kanyang magandang inilalaro ang kampanya nito sa Indonesia Basketball League para manatiling nasa perpektong kundisyon.
“I think it (IBL) helped me lot in staying in shape and staying in rhythm,” ani Brownlee.
Tinulungan ni Brownlee ang Pelita Jaya para masungkit ang kampeonato sa Indonesian basketball league.
“Growing with that team in the IBL. I know there’s a lot of difference in the PBA because you got three imports, with two to play at a time. But just the experience playing out there, when you go through something like that, I enjoyed it,” ani Brownlee.
Hindi naman sinarili ni Brownlee ang lahat dahil malaki ang naitulong ng kanyang mga teammates para makuha ang 51-point output.
Maliban sa 51 puntos, humatak pa si Brownlee ng 13 rebounds, anim na steals at limang assists.
- Latest