^

PSN Palaro

Petecio naka-tanso, gumawa ng kasaysayan

Nelson Beltran - Pilipino Star Ngayon
Petecio naka-tanso, gumawa ng kasaysayan
Nesthy Petecio
STAR/File

PARIS -- Nagtapos sa mapait na kabiguan ang kampanya ni national lady boxer Nesthy Petecio sa 2024 Olympics Games sa semi­finals dito sa Stade Ro­land Garros.

Bigo si Petecio na makuha ang pangarap na gold medal sa kanyang ikalawang sunod na Olympic finals matapos ang kabiguan kay Julia Sze­re­meta ng Poland para makuntento sa bronze medal.

Idinagdag ito ng Pinay fighter sa na­una niyang silver medal sa Tokyo Games noong 2021.

“Sobrang labo, sobrang labo talaga,” wika ni Petecio sa pagkatalo niya kay Szeremeta. “Wala siyang clear punch sa third round, iyong body shots ko, hook ko pu­mapasok, hindi ko alam kung ano ang nangyari.”

Ibinigay ng mga judges sa Polish boxer ang 4-1 iskor sa kanilang 57kg semis bout.

Nakatutok sa tsansa para sa Olympic gold, nagdasal si Petecio sa kanyang corner pag-akyat niya ng ring bago kunin ang 5-0 bentahe sa first round.

Ngunit rumesbak si Szeremeta para sa 4-1 lead sa second round.

Sa third round ay na­ging mas determinado si Petecio na manalo, habang agresibo naman si Szeremeta sa kanyang mga binitawang suntok na hindi tumama sa Pinay.

Sa pagtatapos ng laban ay ibinigay ng mga judges ang panalo kay Szeremeta.

Hindi naitago ni Philippine Olympic Committee president Abraham “Bambol” Tolentino ang kanyang pagkadismaya sa desisyon na kinatigan nina POC secretary general Wharton Chan at rowing chief Patrick Gregorio.

“Remnants of AIBA,” sabi ni Tolentino sa international boxing na inalis ng International Olympic Committee dahil sa corruption issues at iba pa.

“Akala ko akin, hindi ko alam kung ano ang nangyari,” sabi ni Petecio.

Ngunit sa kanyang semis finish ay gumawa ng kasaysayan si Petecio bilang unang Philippine boxer na sumuntok ng dalawang medalya sa magkasunod na Olympics.

Siya ang ikaapat na Filipino Olympian na nanalo ng multiple medals bukod kina gymnast Carlos Yulo, weightlifter Hidilyn Diaz at swimmer Teófilo Yldefonso.

“We came with five boxers and going home with two Olympic bronze medals,” ani Association of Boxing Alliances in the Philippines president Ricky Vargas.

Tinapos ng Team ABAP ang 2024 Paris Olympics sa two-bronze haul makaraan ang two-silver, one-bronze harvest sa Tokyo.

NESTHY PETECIO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with