^

PSN Palaro

RTU-Boni pumalo ng 4 golds sa arnis

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Apat na gintong medalya ang hinataw ng Rizal Technological University-Boni sa arnis event ng 2nd Philippine Reserve Officers Training Corps (ROTC) Games Luzon NCR Leg kahapon sa Cavite State University (CvSU).

Ang mga ginto ay nagmula sa mga panalo nina Bobbelle Abelis sa women’s featherweight, Ashley Joy Rico sa lightweight, Joana Erica Dela Cruz sa welterweight at Ren Ren Reyes sa men’s welterweight sa Philippine Army bracket.

Tatlong gold medals ang inangkin ng Philippine Merchant Marine Academy sa Navy unit mula kina Eunice Bucalen sa women’s featherweight, Grace Lina Fuentes sa lightweight at Isabela Beatrice Burac sa welterweight.

Sa shooting RESCOM Camp Riego sa Tanza, inangkin nina Danielle Benjamina Cruz at Dexter Blinda Cruz ng De La Salle University ang gold at silver medal sa Navy branch sa kanilang mga total score na 272 at 267, ayon sa pagkakasunod.

Sa taekwondo sa Tolentino Sports Complex and Activity Center, sumipa ang Philippine Maritime Academy ng limang ginto sa Navy, habang may apat ang WCC Aeronautical Technological College at tatlo ang RTU-Boni sa Army.

Sa Rolle Hall ng CvSU, nagsulong ng gold si Vincent Bine ng Olivarez College sa men’s standard sa Army at sina Ezekiel Marino ng Enverga University Foundation sa Navy at Ralph Lawrence Hornilla sa Air Force.

ROTC

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with