Good Luck
Basta huwag zero.
‘Yan ang battlecry ko para sa kampanya natin sa Paris Olympics.
Simula na ang bakbakan.
Sumalang na kahapon ang rower na si Joanie Delgaco at super gymnast na si Carlos Yulo.
Mamaya, in action ang fencer na si Sam Catantan, boxer Aira Villegas at mga magagandang gymnasts na sila Aleah Finnegan, Emma Malabuyo at Levi Ruivivar.
Then sunud-sunod na ‘yan. In all, 22 ang athletes natin sa Paris.
Ngayon, ang inaabangan natin eh kung sino at saan tayo kukuha ng medalya.
Sa last Tokyo Olympics, nakatikim tayo ng unang gold mula kay Hidilyn Diaz ng weightlifting. Nasundan ito ng silver medals ni Carlo Paalam at Nesthy Petecio at bronze ni Eumir Marcial sa boxing.
Nabusog ang Pinoy fans dahil before sa silver medal ni Hidilyn sa 2016 Rio Olympics, matagal tayo nangitlog sa biggest sporting event sa mundo.
Twenty years tayo walang inuwing medalya mula nung masungkit ni Onyok Velasco ang silver sa boxing sa 1996 Atlanta Olympics.
Sana huwag na tayo ulit ma-zero sa Olympics. Mula ngayon hanggang forever.
Ang forecast ni POC president Bambol Tolentino, lalampasan natin ang achievement natin sa Tokyo.
Sana nga.
Kung may one gold, happy na ako. Dalawa, very happy. Tatlo, super happy.
Kung apat, magpapainom ako.
- Latest