^

PSN Palaro

2 Fil-American kasama ng Alas sa training camp

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Kasa-kasama na ng Alas Pilipinas Women sa kanilang two-week training camp sa Osaka, Japan sina Fil-American recruits Tia Andaya at Hannah Stires.

Sina Andaya at Stires ang mga bagong players na pinakahuling idinagdag ni Brazilian coach Jorge Souza de Brito sa women’s national team na sasabak sa two-leg 2024 Southeast Asian (SEA) V. League sa Agosto sa Vietnam at Thailand.

Si Andaya ay isang 5-foot-9 setter na naglaro ng dalawang taon sa Gonzaga University bago lumipat sa Central Wa­shington University kung saan siya kumampanya sa huling tatlong taon.

Isa namang libero ang 5’5 na si Stires na naglaro ng apat na taon para sa CWU Wildcats.

Muli ring sumama sa Alas Pilipinas sina Chery Tiggo stars Eya Laure at Jen Nierva matapos hindi payagan ng Crossovers management na maglaro sa nakaraang FIVB Challenger Cup.

Ang iba pang nasa training camp ay sina Jia De Guzman, Sisi Rondina, Dawn Macandili-Catindig, Vanie Gandler, Jema Galanza, Faith Nisperos, Dell Palomata, Cherry Nu­nag, Fifi Sharma, Thea Gagate, Julia Coronel, Bella Belen, Alyssa Solomon at Arah Panique.

Pinayagan ni De Brito si Angel Canino na sumama sa training ng De La Salle University Lady Spikers para sa darating na UAAP Season 87.

Si Canino ang hinirang na Best Opposite Spiker sa nakaraang 2024 AVC Challenge Cup kung saan hinataw ng mga Pinay spi­kers ang makasaysayang bronze medal.

Nakatakda naman ang first leg ng SEA V. Lea­gue sa Agosto 2 hang­gang 4 sa Vietnam kasunod ang second leg sa Agosto 9 hanggang 11 sa Thailand.

vuukle comment

SPORTS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with