PBA imports nagdadatingan na
MANILA, Philippines — Nagsimula nang dumating sa Pilipinas ang mga imports ng 12 teams na sasabak sa Season 49 PBA Governors’ Cup sa Agosto 18.
Inaasahang si resident import Justin Brownlee ang muling kukunin ng Barangay Ginebra habang plano ng TNT Tropang Giga na ibalik si Rondae Hollis-Jefferson para sa kanilang pagdedepensa sa korona.
Kasalukuyang naglalaro ang dating NBA player na si Hollis-Jefferson sa Puerto Rico, samantalang umuwi sa US si Brownlee matapos tulungan ang Gilas Pilipinas sa nakaraang FIBA Olympic Qualifying Tournament sa Latvia.
Ang height limit para sa mga imports sa season-opening conference ay 6-foot-6.
Kinuha ng Rain or Shine si balik-import Aaron Fuller na naglaro para kay coach Yeng Guiao sa NLEX noong 2017 hanggang 2018.
Matapos sa Road Warriors ay naglaro ang 6’6 na si Fuller para sa Blackwater Bossing noong 2019 at sa Tropang Giga noong 2022.
Nasa bansa na si dating NBA player Ricky Ledo para kumampanya sa Blackwater ni coach Jeffrey Cariaso.
Ipapatupad sa 2024 PBA Governors’ Cup ang bagong format kung saan hahatiin sa dalawang grupo ang 12 koponan. (
- Latest