^

PSN Palaro

Goodbye, Ginebra

PRESS ROW - Abac Cordero - Pilipino Star Ngayon

Umalis or inalis?

Ang sabi ni coach Tim Cone, si Christian Standhardinger ang unang nagsabi na gusto niya iwan ang Ginebra.

Gusto daw sumubok ng ibang team or ibang sistema. Kaya ang ending, na-trade ang malaking Fil-German sa Terrafirma.

Nadamay tuloy si Stanley Pringle kapalit nila Stephen Holt at Isaac Go at ang first-round pick ng Terra na ginamit ng Ginebra para makuha si RJ Abarrientos sa PBA Draft.

Approved ng PBA ang trade. Tumaas ang kilay ng iba.

Nag-issue ng statement si Standhardinger na bagama’t nagsabi siya na gusto niya umalis ng Ginebra, nag-usap na daw sila ni coach.

Doon niya nasabi na stay put na siya. Masaya pa nga daw si coach sa desisyon niya.

Kaya laking gulat ng player nung malaman niya na tinuloy pala ng Ginebra ang trade. Natural, may basbas ng mga bossing.

Well, dehins mo din masisisi ang management dahil kung nagsabi ka na gusto mo na sumibat, it means gusto mo nga.

At baka biglang nagkaroon ng opportunity na makuha si Holt at Go at ang first-round pick kaya tinuloy na din nila. Mga mas batang players.

Sa bagay, kung dun rin ang bagsak eh bakit pata­tagalin pa.

 Ang tsismis eh gusto mag-Japan ni Standhar­dinger. Beke nemen natunugan ng Ginebra.

Ang tanong: Alam kaya ito ng Terrafirma?

vuukle comment

SPORTS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with