^

PSN Palaro

Anak ng dating Ginebra player papalo sa PVL

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines —  Isama na sa listahan ang pangalan ni Danivah Aying bilang anak ng isang dating PBA player na maglalaro sa Premier Volleyball League (PVL).

Si Danivah, kinuha ng Galeries Tower bilang pinakahuling pick sa nakaraang PVL Rookie Draft, ay anak ni dating Barangay Ginebra forward Danny Aying.

Hindi inaasahan ng produkto ng University of San Jose-Recoletos na may pipili sa kanyang koponan sa PVL dahil hindi siya naglaro alinman sa sa mga sikat na tropa sa UAAP o NCAA.

“Super overwhelming po siya para sa akin kasi nga, zero expectations po talaga ako. Hindi ko ine-expect na mada-draft talaga ako,” wika ni Danivah na naglaro sa Cebu Schools Athletic Foundation Inc. (CESAFI).

Katulad ng kanyang amang si Aying, isang palaban ding player ang 5-foot-5 na si Danivah.

“Parang naging push ko na rin ‘yung mga down comments ng mga ibang tao na ‘Ay from Cebu lang iyan.’ Parang naging stepping stone siya para sa akin,” sabi ni Danivah.

Kaagad makakaliskisan si Danivah sa pag­harap ng Galeries Tower sa Nxled sa alas-2 ng hapon sa pagsisimula ng 2024 PVL Reinforced Conference sa Philsports Arena sa Pasig City

vuukle comment

PBA

PBL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with