^

PSN Palaro

Strong Group wagi sa UAE

John Bryan Ulanday - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines —  Hinambalos ng Strong Group-Pilipinas ang United Arab Emirates, 104-79, para sa kumbisidong unang tagumpay sa 43rd William Jones Cup kahapon sa Taipei, Taiwan.

Hindi agad pinaporma ng Philippine representative ang karibal sa pag-alagwa sa 32-18 simula tungo sa 25-puntos na panalo sa invitational tournament tampok ang 9 na koponan.

Walang playoffs ang Jones Cup kaya kung sinong No. 1 team sa pagtatapos ng single-round robin format na eliminations ang siyang magiging kampeon kaagad.

Susubok ang Gilas na mapalakas ang tsansa dito sa tangkang ikalawang sunod na panalo kontra sa BSBL Guardians ng Australia sa ala-1 ng hapon (Manila time) ngayon bago sagupain ang Ukraine, Malaysia, Future Sports USA, Japan U22, China White at China Blue.

Huling nag-kampeon ang Pilipinas sa Jones Cup noong 2019 para sa ikaanim na titulo nito nang walisin ng Mighty Sports sa gabay ni coach Charles Tiu ang torneo.

Binanderahan ng balik-Pinas at dating PBA champion import na si Chris McCullough matapos kumamada ng 15 puntos, 7 rebounds, 5 assists, 4 steals at 1 tapal.

vuukle comment

JONAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with