^

PSN Palaro

Bulaga!

PRESS ROW - Abac Cordero - Pilipino Star Ngayon

May mabilisang ligawan or matinding gapangan na nangyari sa UAAP men’s basketball.

Two months bago mag-start ang new season, big­lang nag-announce ang Ateneo big man na si Manos Amos na aalis na siya sa Katipunan.

Naka-isang season lang ang 19-year-old at 6-foot-7 na si Amos para sa Ateneo. Maganda ang pinakita at ngayon ay kasama ng Gilas sa final Paris Olympics qualifying sa Latvia.

At hindi lang ‘yung pag-alis ni Amos sa Ateneo ang balita. Sa La Salle daw lilipat ang promising na player.

From Ateneo to La Salle, ang magkalabang mortal sa UAAP basketball.

Siguradong nagkakamot ng ulo ang mga taga Ateneo, kasama na si coach Tab Baldwin.

Nung naka-amoy si coach, nag-text pa daw ito kay Amos last week. Ang sagot naman daw eh wala naman discussions with La Salle.

Well, too late.

Dahil sa paglipat, ka­ilangan mag sit-out si Amos ng one year residency bago makalaro sa La Salle next year, mea­ning may three years pa siya sa UAAP.

Iba na ang labanan ngayon dahil isipin mo, nasa Ateneo ka na, aalis ka pa.

Ganyan din ang nang­yari kay shooter at dating Gilas player na si Sj Belangel na iniwan ang two playing years sa Ateneo para maglaro sa Korean Basketball League at si Vani Gandler na umalis din ng Ateneo para maglaro sa Cignal sa PVL kahit may one year to play pa sa UAAP.

Pero sino tayo para pigilan sila?

Naalala ko tuloy ang kanta ni Imelda Papin na “Kung Liligaya Ka Sa Piling Ng Iba.”

vuukle comment

SPORTS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with