^

PSN Palaro

Sen. Go nagbigay ng bonus sa Olympic-bound athletes

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
Sen. Go nagbigay ng bonus sa Olympic-bound athletes
Nag-selfie si Sen. Bong Go kasama ang mga Olympic-bound athletes.
PSC

MANILA, Philippines — Hindi pa man sila su­ma­­salang sa kanilang mga events sa 2024 Paris Olympic Games ay tumanggap na ng bonus ang 15 national athletes.

Nagbigay si Sen. Bong Go ng tig-P500,000 bilang fi­­nancial assistance sa na­sabing mga Olympic-bound athletes.

“Ang mahalaga, bigyan natin sila ng suporta mula sa gobyerno even before the competition and after the competition,” sabi ni Go ka­hapon sa isang turnover ceremony sa Philippine Sports Commission (PSC) Office.

“Ito’y isang pagkilala at pagsaludo sa kanilang sakripisyo at dedikasyon,” dagdag ng chairperson ng Senate Committee on Health and Sports.

Iniabot ni Go ang mga tseke nina Tokyo Olympics silver medalists Nesthy Pe­tecio at Carlo Paalam, Hergie Bacyadan at Aira Villeg­­as ng boxing, gymnast Carlos Yulo, weightlif­ters Vanessa Sarno, Elreen Ando at John Ceniza at rower Joannie Delgaco.

Matatanggap din nina pole vaulter EJ Obiena, bo­xer Eumir Marcial, fencer Sam Catantan at gymnasts Aleah Finnegan, Levi Ruivivar at Emma Malabuyo ang kanilang mga bonus bago sumabak sa Paris Olympics na nakatakda sa Hulyo 26 hanggang Agosto 11.

Hangad ng mga natio­nal athletes na maduplika ang binuhat ni weightlifter Hi­dilyn Diaz na kauna-unahang Olympic gold me­dal ng bansa sa Tokyo Games.

Hindi nag-qualify si Diaz para sa Paris Games.

Idinagdag ni Go na ta­tanggap din ng parehong bo­nus sina Paralympics-bound athletes Angel Otom at Ernie Gawilan ng swimming at Allain Ganapin ng taekwondo.

PARIS OLYMPIC GAMES

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with