^

PSN Palaro

Ano ba ‘yan?

PRESS ROW - Abac Cordero - Pilipino Star Ngayon

Nasabi ko na ito dati pero gusto kong ulitin.

Panalo na, natalo pa!

‘Yan ang masaklap na nangyari sa Meralco noong Friday kontra San Miguel Beer sa Game 2 ng PBA Philippine Cup best-of-seven finals.

Lamang ng apat ang Bolts with 27 seconds left. Swak na sa balde. Pero napabayaang tumanggap ng bola si CJ Perez, na hot na hot sa game, at kumana ng tres.

Down to one ang lamang. At matapos ang isang free throw ni Chris Banchero, si super Marcio Lassiter naman ang bumanat ng tres para ipanalo ang SMB, 95-94.

Naitabla nila ang serye, 1-1. Sayang dahil kung nanalo ang Bolts, 2-0 na sila at closer sa first ever PBA title.

Ewan ko ba na sa sob­rang ganda ng interior defense ng Meralco na pati si June Mar Fajardo, eh hirap ganun naman ka­luwag ang naging de­pen­sa nila sa labas sa clo­sing seconds.

Deny the ball na dapat sina Perez at Lassiter da­­hil siguradong tres ang ipu­pukol nila.

Pinabayaang tumanggap eh.

Well, that’s history. Ma­­maya ang crucial Game 3.

Sayang talaga ‘yung game para sa Meralco. Nandun pa naman si Boss MVP.

I’m sure ‘yun din ang nasa isip niya pauwi ga­ling Araneta Coliseum: Panalo na, natalo pa!

vuukle comment

SPORTS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with