^

PSN Palaro

Alas Pilipinas vs Indonesia sa classification

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — May tsansa pa ang Alas Pilipinas na malampasan ang 10th place finish noong 2023 Asian Volleyball Confederation (AVC) Challenge Cup for Men.

Ito ay sa kanilang pag­sagupa sa Indonesia kagabi sa classification round ng torneo sa Isa Town, Bahrain.

Parehong nagtala ng 0-2 record ang mga Pinoy spikers at mga Indonesian hitters sa Pool A at Pool C, ayon sa pagkakasunod.

Laglag ang koponan ni Brazilian coach Sergio Veloso sa classification round matapos yumukod sa China, 19-25, 22-25, 22-25, at sa Bahrain, 18-25, 23-25, 20-25, sa group play.

Hindi naduplika ng national men’s team ang makasaysayang bronze medal finish ng Alas Pilipinas women’s squad sa nakaraang AVC Challenge Cup for Women na idinaos sa Rizal Memorial Coliseum sa Manila.

Muling aasahan ni Veloso sina co-captains Marck Espejo at Jau Umandal kasama sina Kim Mala­bunga, Owa Retamar, Leo Ordiales, Jade Disquitado, Lloyd Josafat at Josh Ybañez

Bigo naman ang Indonesia sa South Korea at Qatar sa Pool C.

Wala sa Indonesian team na humataw ng gold medal sa 32nd Southeast Asian Games noong 2023 ang naglalaro sa tropa nila ngayon.

vuukle comment

ASIAN VOLLEYBALL CONFEDERATION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with