^

PSN Palaro

Pinoy Pride

PRESS ROW - Abac Cordero - Pilipino Star Ngayon

Para na namang tumama ng mega lotto jackpot ang golfer na si Yuka Saso.

Parang nanalo ng sampung beses si Saso na magiging 23 years old pa lang sa June 20.

Pinanalo ng Fil-Japanese golfer ang US Women’s Open golf sa America nung Linggo. Ikalawa na niya ito since 2021.

Record ang premyo at this year, may $2.4 million para sa champion. In peso, nanalo si Saso ng mahigit P140 million.

Parang Manny Pacquiao na lumaban sa isang dream match.

Kung isasama ang premyo ni Saso para sa una niyang US Open title, malapit na maging bilyonaryo ang bata na may Hapon na ama at Pinay na ina.

Deserving si Saso na dati na din nagpanalo ng gold medals para sa Pinas sa Asian Games.

Nasamahan ko siya sa Argentina para sa 2018 Youth Olympics at nakilala ko si Saso. Walang ere. Simpleng bata. Nakasabay ko sa kainan at nakatabi minsan sa bus. Parang ayaw mag-Ingles. Tagalog ang usapan namin.

Sayang lang at kailangan niya piliin maging Japanese citizen after niya mag 21 years old. Pero para sa career din niya ‘yun.

Kapag Japanese citi­zen ka, no need ng visa kahit saan bansa ka pumunta. Kung Philippine passport, visa dito visa doon ang kailangan niya para mag travel at lumaban.

Pero that’s history. Ang importante, hindi nakakalimot si Saso na may dugong Pinoy siya.

Dyan nakakasiguro ako.

vuukle comment

YUKA SASO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with