PH squad hakot ng 26 ginto sa Asian Grappling
MANILA, Philippines — Humakot ang Pilipinas ng 16 ginto, 26 pilak at 26 tansong medalya sa 2024 United World Wrestling (UWW) Asian Grappling Championship na ginanap sa Tagaytay Combat Sports Arena sa Tagaytay City.
Nanguna sa kampanya ng Pinoy squad si world champion Fierre Afan na kumana ng dalawang ginto sa kanyang event.
“I’m very happy not only I won two gold medals but also seeing my fellow Filipinos winning golds also in Tagaytay City. We proved that we could get along with powerhouse Asian teams like Kazakhstan in this combat sport of grappling,” ani Afan.
Tinalo ni Afan si Alinur Beisen ng Kazakhstan sa finals ng -77 kg. grappling gi event para makuha ang unang ginto nito.
Muling nanaig si Afan kay Beisen sa grappling no gi men’s -77 kg. finals upang masiguro ang kanyang ikalawang ginto sa event na suportado ni Philippine Olympic Committee president Abraham Tolentino at ng LCS Group of Companies.
Wagi rin ng tig-dalawang ginto sina women grapplers Andrea Ocampo, Charlie Ratcliff at Annie Parungao sa torneong itinaguyod ng Wrestling Association of the Philippines (WAP) sa pangunguna ni president Alvin Aguilar.
Wagi ng ginto si Ocampo sa women’s grappling gi at grappling no gi -53 kg at nanaig naman si Ratcliff sa women’s grappling gi at grappling no gi 56 kg. class. Nagyena naman si Parungao sa women’s grappling gi at grappling no gi -58 kg.
Ang iba pang gold medalists sa men’s class ay sina Miguel Gutierrez (-58 kg gi), Lucas Mateo Holganza (53 kg gi U-15), Joaquin Marte (-63 kg gi), Alonso Lucas Aguilar (-63 kg gi) at Joshua Dy (-84 kg gi).
Nakaginto rin sina Yani Lopez (-48 kg no gi), Clarisse Pasamba (-48 kg gi), Ella Olaso (-52 kg gi) at Miriam Balisme (-60 kg no gi).
- Latest