Lady Chiefs diretso sa semis
MANILA, Philippines — Swak sa Final Four ang Arellano University Lady Chiefs matapos nilang talunin ang Jose Rizal University Heavy Bombers, 25-16, 25-16, 25-16 sa NCAA Season 99 women’s volleyball tournament na nilaro sa FilOil EcoOil Centre kahapon.
Balik sa semifinals ang Lady Chiefs nang walisin sa tatlong sets ang Lady Bombers dahil kung umabot sa four sets ay ang Mapua University Lady Cardinals ang papasok.
Nakopo na ng defending champions College of Saint Benilde Lady Blazers, Lyceum of the Philippines Lady Pirates at Letran Lady Knights ang No. 1, 2, 3 seed ayon sa pagkakasunod.
Parehong tumapos sa 6-3 karta ang Arellano U at Mapua pero nasikwat ng una ang No. 4 dahil sa mataas na points at sila ang papalo sa stepladder 1.
Sa unang laro, tinalo ng Mapua ang San Beda University, 25-21, 26-24, 22-25, 25-13.
Humataw si rookie opposite hitter Raissa Ricablanca ng 22 points kasama ang 19 attacks at talong blocks para sa Lady Cardinals.
- Latest